About
Noli Me Tangere:
The Graphic Novel

Binibigyang-buhay ng Kabataang Kabanata ang panitikang Pilipino sa pamamagitan ng isang interactive visual novel na muling naglalahad ng Noli Me Tangere ni José Rizal sa mas makabagong paraan para sa mga mag-aaral. Bilang isang mag-aaral, hinihikayat kang tuklasin ang kwento sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga tauhan, paghahanap ng mga easter egg, at pagsali sa iba’t ibang gawain nasusubok sa iyong kaalaman.

Huwag mag-alala, mga guro hindi rin namin kayo nakalimutan. May kasama itong booklet na nagsisilbing gabay sa paggamit ng interactive novel at kung paano ito epektibong magagamit sa face to face o online na klase

   Vision

Ang aming bisyon ay gawing magaan, masaya, at madaling ma-enjoy ang panitikang Pilipino, walang stress, walang pressure lalo na para sa mga nahihirapan intindihin ang malalim na salitang Tagalog.

Mission

Ang aming misyon ay gawing mas magaan at masayang basahin ang panitikang Pilipino para sa mga mag-aaral. Kasabay nito, sinusuportahan namin ang mga guro sa pamamagitan ng mga kapaki-pakinabang na gabay at tools upang gawing mas engaging ang mga aralin para maging isang aktibo at sabayang karanasan ang pagkatuto sa loob ng silid-aralan.

The Making
of Noli Me Tangere:
The Interactive Graphic Novel

Nagsimula ang proyektong ito matapos naming mapansin na mas kaunti na ang mga mag-aaral na nagbabasa ng panitikang Filipino. Mas madalas piliin ng mga estudyante ang mga librong Ingles dahil mas madaling maunawaan kumpara sa panitikang Filipino. Kapag naman Filipino ang binabasa, kadalasan ay fan fiction o mga kuwento sa Wattpad.

Dahil dito, maraming nahihirapan sa mga akdang tulad ng Noli Me Tangere dahil sa malalim na salitang Tagalog. Kaya naisip namin gumawa ng isang interactive na bersyon ng Noli Me Tangere, kung saan ito ay binuo para sa mas masaya at madaling paraan para maintindihan ang kwento. Makakatulong ito sa mga estudyante para mas maunawaan ang Noli Me Tangere, at sa mga guro naman bilang dagdag na teaching tool sa loob ng silid aralan.

The Story

Nagsisimula ang kuwento sa unang tatlong kabanata ng Noli Me Tangere, kung saan mainit na sinalubong si Crisostomo Ibarra matapos ang pitong taong pananatili niya sa Europa. Isang handaan ang inihanda bilang pagbati sa kanyang pagbabalik, na dinaluhan ni Kapitan Tiago at iba pang panauhin, may mga tunay na masaya siyang makita, habang ang iba naman ay puno ng pagdududa sa kanyang pagbabalik.

Habang mas binabasa at ine-explore mo ang interactive novel, mas marami kang matutuklasan tungkol sa kuwento. May mga bagong detalye at sorpresa na magpapanatili ng iyong interes. Handa ka na bang alamin kung ano ang susunod na mangyayari?

Character Design

Sa pagbuo ng disenyo ng tauhan, ibinatay ito sa orihinal na aklat at sa paraan ng paglalarawan ni Rizal sa kanilang personalidad at itsura.

Kumuha rin ito ng inspirasyon mula sa mga naunang adaptasyon ng Noli Me Tangere na nagbigay-buhay sa kwento sa pamamagitan ng biswal na anyo.

Environment Design

Ang disenyo ng mga environment ay hinango mula sa Binondo noong unang bahagi ng 1900s upang maipakita ang mga kalye at gusaling madalas lumitaw sa Noli Me Tangere, tulad ng Calle Anloague. Para naman sa mga interior ng mga gusali, ginamit bilang inspirasyon ang mga Philippine heritage house sa pagbuo ng mga silid ng bahay ni Kapitan Tiago at iba pang mahahalagang lugar. Tiniyak na ang mga setting ay tumutugma sa panahon ng kuwento habang nananatiling simple ang disenyo upang mas ma-highlight ang mga karakter at mga interactive na elemento.

Isabelle Lopez

Environment Designer & Booklet Designer

Ang mga tagpo, paligid, at anyong biswal ay maingat na idinisenyo upang makalikha ng isang nakaka-engganyo at interaktibong mundo para sa kwento.

Meet the Team

Ayla Manta

Character Designer

Lumikha ng mga konsepto at biswal ng mga tauhan, tinitiyak na bawat disenyo ay wasto at nagpapakita ng tunay na personalidad ng bawat karakter.

Althea Martinez

UI/UX Designer

Idinisenyo ang ayos ng website upang maipakita ang tema at damdamin ng interaktibong nobela.

Sophia Mendiola

Interactive Narrative Developer & Character Line Artist

Inprograma ang interaktibong graphic novel at tumulong sa paggawa ng sining ng mga tauhan at likuran.

Acknowledgement

Ang grupo ng Kabataang Kabanata ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng tumulong sa amin sa bawat hakbang ng aming proseso, hanggang sa matagumpay naming makumpleto ang proyektong ito. Malaki ang aming pasasalamat sa aming propesor sa thesis, si Ginang Kathreen Coo, para sa kanyang gabay at suporta habang isinasagawa namin ang aming pananaliksik.

Nais din naming pasalamatan sina Ginang Mary Rose Briton at Ginang Hariet Solamo-Manimog, ang aming mga katuwang na guro sa Filipino, sa pagbibigay ng kanilang kaalaman at payo kaugnay sa paksa ng proyekto.

At sa wakas, nais naming ipahayag ang aming pagpapahalaga sa aming capstone advisor na si Ginang Erika Garalde, para sa kanyang gabay at suporta sa buong proseso ng paggawa ng aming proyekto sa capstone—maraming salamat po sa paggabay sa amin, Ginang Garalde!