Gabay para sa Guro

Para sa mga guro, hindi namin kayo nakalimutan! Ang teacher’s booklet ay naglalaman ng mga sagot sa bawat pagsusulit at pagsasanay, pati na rin ng step-by-step na gabay kung paano i-navigate ang interactive novel at maunawaan ang mga mekaniks nito.

Sa tulong ng gabay na ito, magkakaroon kayo ng sapat na kaalaman at tools upang maisama ang nobela sa face-to-face man o online na klase.Sa inyong gabay at suporta, maaaring maging isang masigla at makabuluhang pagkatuto ang interactive novel para sa mga estudyante.

Simulan na natin! Tuklasin, ituro, at gawing masaya at makahulugan ang pagkatuto.